- Advertisement by Google -

Siyam ang sugatan sa isang aksidente sa pagitan ng dalawang truck at isang pampasaherong van sa national highway, sa bahagi ng Km. 142-143 sakop ng Barangay Labog, bayan ng Sofronio Española, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang mga driver ng mga truck na sina Edgar Bacasmas Gaspar, 54, at Jonjon Montalbo Sanchez, 33, samantalang ang driver naman ng shuttle van ay kinilalang si John Vincent Colacion Galang, 29.

Sa report ng Palawan Police Provincial Office (PPO), parehong nagmula sa Puerto Princesa ang dalawang truck na patungo sa Brooke’s Point, habang ang pampasaherong van naman na may sakay na walong pasahero ay patungo sa lungsod.

Dagdag pa rito, sa isinagawang imbestigasyon ay lumabas na madulas ang kurbadang bahagi ng kalsada kung saan naganap ang aksidente kaya bahagyang lumihis ang direksyon ang truck na minamaneho ni Gaspar. Dahil dito, nabangga ito ng sumusunod na truck na minamaneho naman ni Sanchez.

- Advertisement -

Napunta sa kanang bahagi ng kalsada ang minamanehong truck ni Sanchez, kung saan nakasalubong nito ang paparating naman na pampasaherong van.

Sa kabuuan ay pito sa walong pasahero ng van ang nagtamo ng pinsala sa katawan, samantalang nagtamo rin ng pinsala si Sanchez at ang helper nito na kinilala lamang sa pangalang Ortega.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natukoy ang kabuuang halaga ng pinsala dulot ng aksidente, habang ang tatlong driver ay nasa kustodiya ngayon ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS) para sa karagdagang imbestigasyon.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleWater supply interruption scheduled tonight in some parts of the city
Next articlePalawan placed under heavy rainfall warning due to southwest monsoon rains
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.