Larawan mula kay Abner Tesorio

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Isasama sa priority projects ngayong 2021 ng Barangay Pulot Center sa bayan na ito ang isang sirang tulay na nagdudugtong sa dalawang komunidad ng Karabokay at Inandinan upang para tugunan ang hirap ng mga katutubong Pala’wan na nakatira dito.

Ang tulay ay pansamantalang pinagtulungang ayusin ng mga katutubo nitong unang linggo mg Enero na nilagyan ng sahig kawayan upang madaanan ng mga residente na tatawid patungong kabayanan.

Sa panayam ng Palawan News kay kapitan Abner Tesorio ng Pulot Center noong Miyerkules, sinabi niya na batid niya ang suliranin at gagawaan ito ng paraan na maisaayos upang maging semi-concrete mula sa kahoy na tulay para hindi madaling masira.

“Isasama ito ng ating barangay sa mga priorities natin, hahanapan natin ng kahit maliit na pondo para maging ginhawa lang ang dalawang community na ito. Nandiyan din ang mga kagawad ng barangay natin,” sabi ni Tesorio.

- Advertisement -

Ayon kay Wilfredo Somansaya, katutubo sa lugar at isa rin sa tumulong sa isinagawang bayanihan upang pansamantalang maayos ang tulay, matagal na nilang nararanasan ang sobrang hirap sa pagtawid dahil bulok na ang kahoy pati ang poste.

Sa katunayan aniya, taong 2018 pa sila nagpadala ng request o kahilingan sa lokal na pamahalaan para sana ay mapadalhan sila ng maayos na kahoy upang ipalit, ngunit sila napagbibigyan.

“Salamat naman po kung maisasama na itong tulay namin sa priority project, ang hirap na po dito, ito lang ang tawiran namin kapag malaki ang baha o tubig, wala kaming ibang puwedeng tawiran dito,” sabi niya.

 

 

Previous articleBaywalk stabbing: Lack of law enforcement on selling liquors to minors
Next article12 former Reds and mass supporters receive cash assistance from E-CLIP
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.