Photo from Puerto Princesa City Fire Office.

(Panoorin ang video na kuha sa nangyari)

Isang shuttle van na iniwan ng may-ari nito sa harap ng Puerto Princesa City Motorpool sa Rafols Road, Barangay Sta. Monica, ang biglang nagliyab at nasunog, dakong 11:00 ng umaga ngayong araw ng Lunes, Abril 4.

Kinilala ng Puerto Princesa City Fire Station (PPCFS) ang-may ari ng Toyota HI-Ace van na si Rollen Eclevia na sa inisyal na impormasyon ay empleyado ng motorpool.

Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ng PPCFS ang naging sanhi ng nasabing sunog na naideklarang fireout, 11:26 ng umaga.

“Totally damaged ang sasakyan, naka-park lang siya sa kalsada nang bigla na lang umapoy,” pahayag ni F/CInsp. Nilo Caabay, hepe ng PPCFS.

Sa video ay mapapanood na noong una ay umuusok lamang at pagkatapos ay bigla nang lumiyab. Sa likuran nito ay mayroon pang motor na tinakbo pa para kunin.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng lumakas ang apoy at sinunog na ang buong sasakyan, samantalang ilang heavy equipment mula sa motorpool ang lumabas upang tulungang maapula ang apoy sa sasakyan.

About Post Author

Previous articleExpect power interruption on April 6 due to scheduled repair works – PALECO
Next articleCity Council extends tricycle mayor’s permit renewal to May 20
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.