May kaunting gasgas at tama ang shuttle ayon kay Alfon habang matindi umano ang tama ng motorcycle rider at dalawang angkas nito kasama ang isang bata na agad na dinala sa pagamutan. (Larawan mula kay Alfon Galan)

Sugatan ang tatlong sakay ng motor matapos mabangga sila ng isang passenger van sa national highway sa Barangay Samariñana, Brooke’s Point, pasado 6:30 ng gabi, araw ng Linggo.

Ayon sa report na ibinahagi ng Palawan Police Provincial Office (PPO) ngayong umaga ng Lunes, Nobyembre 15, sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos, ang biktima ay kinilalang si Khalid Marangit Mamangcao, 34, residente ng Barangay Marangas, Bataraza, at dalawang angkas nito na hindi na pinangalanan.

Nawalan ng malay si Mamangcao, samantalang ang dalawang angkas ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isinugod sila ng mga rescuer sa ospital para sa kinakailangang medical attention, ayon sa PPO.

Sa imbestigasyon ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) ay sinasabi na ang likuran ng motorsiklo na Suzuki Smash 125 motorcycle na minamaneho ni Mamangcao ay nabangga ng Toyota Hi-ace commuter van na minamaneho ni Al-Rashid Faizal Hapsan, 29, residente ng Brgy. Pangobilian, Brooke’s Point.

Naka-rehistro ito sa isang nagngangalan na Jamal C Nasad.

Pareho umanong tinatahak ng mga sasakyan ang direksyon papunta sa Bataraza mula sa Brooke’s Point nang pagdating sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ay nabangga ng commuter van ang likuran ni Mamangcao at dalawang angkas nito.

Base sa witness na si Alfon Galan na napadaan sa lugar ng aksidente, pareho tumatakbo papuntang south ang van at motor.

May kaunting tama ang shuttle van, habang “matindi” umano ang tama ng motorcycle rider at dalawang angkas nito, kasama ang isang bata, pahayag ni Galan.

(Larawan mula kay Alfon Galan)

“Pinalipat lang ang pasahero ng shuttle van, may damage din sa van pero hindi naman gaanong nasaktan ang mga pasahero. Malala ang sakay ng motor,” sabi ni Galan.

Ayon naman sa kapitan ng Samariñana na si Federico Dagwat, “nabundol” umano ng van ang tumatakbong motor sa unahan nito.

“Nasa bayan kasi ako kanina, tinawag sa akin ng mga tanod ko, nabundol ng shuttle ang tumatakbong motor sa unahan nila. Ang driver ng motor na lalaki, [angkas] na babae, at may isang bata, dinala naman sila ng rescue agad,” pahayag ni Dagwat.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang ulat hinggil sa kalagayan ng driver ng motorsiklo at dalawang angkas nito.

Previous articlePhilippine wetland oil riches untouched by war now up for grabs in peacetime
Next articleITCZ patuloy na nakakaapekto sa Palawan, kalat-kalat na pag-ulan maaasahan ngayong Lunes
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.