Larawan mula sa City Police Sation 1

Kulungan ang bagsak ng isang 30 anyos na babae matapos mahuli sa aktong nagsho-shoplifting sa isang kilalang mall dito sa lungsod ng Puerto Princesa, Huwebes ng hapon.

Sa ulat ng City Police Station (CPS) 1, minanmanan ng civilian security personnel ng mall ang suspek hanggang sa mahuli ito sa akto na may isinusuksok sa sling bag nito.

Ang babae ay pinangalanan sa report ng City Police Station (CPS) 1 bilang si Anabelle Baltar, residente ng Barangay Bagong Silang.

Ayon kay CPS 1 deputy chief P/Lt. Douglas Sabando, na hindi na binanggit kung ano ang item na sinasabing ninakaw ng babae, may mga nauna na pala itong kaso at may dalawang standing warrants of arrest.

Magpipiyansa na sana ito, pero nalaman sa kanilang record na ito ay ipinaaaresto rin dahil sa kaparehong kaso.

“Balak pa niya ngang magpyansa, pero base sa ginawa naming beripikasyon kaugnay sa babaing ito ay mayroon pala siyang dalawa pang standing warrants of arrest tungkol sa mga kaso noong 2017 o 2018,” sabi ni Sabando.

“Sa mga impormasyon namin na nakuha, mag-isa lang ito siyang tumatrabaho, solo lang, wala naman siyang mga grupo o mga kasamahan,” dagdag niya.

Pansamantalang mananatili ang suspek sa PPCPO jail facility para sa ilan pang mga dokumento na kinakailangan.

“S’yempre, ire-refer namin siya sa kanyang court of origin for proper disposition. Bailable naman yong dalawang warrants niya, isang P12,000 at isang P20,000,” dagdag pa ni Sabando.

 

 

Previous articleCoron to welcome local tourists beginning Dec. 1
Next articleDA MIMAROPA launches ‘Gulayan sa Barangay’ in Sofronio Española