Isang 36 anyos na lalaking matagal ng pinaghahanap dahil sa akusasyon na tulak ito ng droga ang inaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng San Vicente Municipal Police Station (MPS), noong hapon ng Mayo 16 sa mismong harap ng Anscor Village, Brgy New Agutaya.

Ang suspek ay kinilalang si Joey Arevalo Abes na sinasabing matagal ng nasa kalakaran ng droga at matagal ng target na mahuli ng mga awtoridad.

“Matagal nang target ‘yan. Simula pa sa Taytay, doon kasi yan dati, nakapag-asawa lang dito, kaya dito nanaman nagbebenta. Pero matagal ng tina-trabaho ng Taytay MPS at PNP province, ngayon lang talaga siya naaktuhan,” pahayag ni P/Maj. Romerico Remo.

Maliban sa nabili, kumpiskado din mula sa suspek ang P4,500 na buy-bust money at isa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 1.2 grams at may street value na aabot sa P12,000.

Previous articleBrooke’s Point LGU magpapatupad ng 30% work arrangement sa mga empleyado
Next articleHumid temperature caused by easterly winds
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.