Isang babae ang nagtamo ng sugat sa mukha nang siya ay sinaksak ng isang hindi nakilalang tao na nakapasok sa kanyang kwarto habang siya ay natutulog.

Nangyari ang insidente Lunes ng gabi sa Barangay Salvacion at kinilala ang biktima na si Cecilia Abon Macanas, isang senior citizen.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO), natutulog ang biktima ng ito ay saksakin ng suspek, na tumakbo at tumakas nang makasigaw upang humingi ng tulong ang biktima.

Dinala sa Rural Health Unit ang biktima upang bigyan ng lunas. Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kawani ng Busuanga Municipal Police Station (MPS), ayon kay Ramos.

 

Previous articleDA launches ‘Plant, Plant, Plant Program for food sufficiency in the city
Next articleAlvarez assures Balabac ‘backdoor’ security vs COVID-19 entry
Jayra Joyce CaƱete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.