Sep 29, 2020

Senior citizen patay sa banggaan

Ayon kay Elona, naideklarang dead on arrival si Gaddy matapos mabangga ang kasalubong na motorista na si Ronas.

(Photo courtesy of Police Station 1)

Isang senior citizen ang nasawi matapos makabanggaan ang isa pang motorista sa kahabaan ng Green Valley road, Barangay San Manuel, Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Ray Aron Elona, station commander ng Police Station 1 ang nasawing lalaki na si Angelito Buncag Gaddy, 67 residente ng Barangay San Manuel; at ang kabanggaan nito na si Mark Jay Ladica Ronas, 29, residente ng Barangay Bacungan.

Ayon kay Elona, naideklarang dead on arrival si Gaddy matapos mabangga ang kasalubong na motorista na si Ronas.

Nasa kustodiya ng Police Station 1 si Ronas at kakaharapin ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Physical Injuries and Damage to property

Nagpaalala naman si Elona sa mga motorista na mag-ingat upang maiwasan ang ganitong insidente.

“Paalala natin sa ating kababayan na magkaroon ng extra ingat sa kalsada. Lalo na hindi natin makita ang aksidente so, dapat mas mag-ingat tayo para maiwasan ang mga ganito.”,

(With reports from Jayra Joyce Taboada)

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry