Inaresto ng mga awtoridad ang isang senior citizen dahil sa kasong child abuse sa Barangay Tagumpay, bayan ng Coron, Martes ng hapon.

Ayon sa ipinadalang ulat ng Provincial Police Office (PPO) nitong Miyerkules, naaresto ang suspek na si Fidel Diaz dahil sa two counts ng paglabag sa Section 5 (b) ng R.A. 7610 o Child Abuse na may karampatang bail bond na P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang pag-aresto sa nasabing suspek ay isinagawa ng Coron Municipal Police Station sa pangunguna ni P/Maj. Thirz Starky Timbancaya sa bias naman ng warrant of arrest na iginawad noong July 2, ni Judge Arnel Cezar ng Regional Trial Court Branch 163 sa naturang bayan.

Nasa kustodiya ng himpilan ang suspek at inaasahang ihaharap sa korte para sa nararapat na disposisyon.

 

About Post Author

Previous articleCooking contest highlights importance of nutritious food during COVID-19
Next articleAgutaya LGU approves creation of Barangay Civil Registration Council
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.