Seminarista nalunod sa bayan ng Rizal, patay


Nauwi sa trahedya ang masaya sanang pagsalubong sa bagong taon ng isang seminarista matapos itong tangayin ng malalaking alon sa karagatang nasasakupan ng Brgy. Puntabaja sa bayan ng Rizal.

 

Sa inisyal na imbestigasyong isinagawa ni PO3 Francis Dion Francisco ng Rizal Municipal Police Station, naganap ang insidente noong umaga ng ika-1 ng Enero habang nagkakasiyahan ang ilang miyembro ng simbahan sa kanilang bayan, Hindi umano marunong lumangoy ang biktimang si  Mark Gallego, 14 anyos at isang estudyante sa  Seminario De San Jose  sa Lungsod ng Puerto Princesa.

 

Hanggang tuhod lamang umano ang tubig sa  kanyang tinatayuan subalit nahampas ito at natangay ng malalaking alon patungo sa kantiladong bahagi ng karagatan bago tuluyang nawala.

 

Natagpuan na lamang umano ang kanyang bangkay sa tulong ng helicopter ng Philippine Coastguard noong ika-3 ng Enero sa layong 500 metro kung saan naganap ang insidente,

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...