Oct 1, 2020

Selebrasyon ng 14th Katala Festival, idinaos online

Napuno ng iba’t-ibang online activities ang dalawang araw na selebrasyon na nilahukan ng mga paaralan sa Narra sa pamamagitan ng virtual presser.

(Photo courtesy of DENR-PENRO Palawan)

 

NARRA, Palawan — Kakaiba ang selebrasyon sa bayan na ito ng 14th Katala sa Festival dahil ginawa ito online noong June 25 at nagtapos noong June 26.

Napuno ng iba’t-ibang online activities ang dalawang araw na selebrasyon na nilahukan ng mga paaralan sa Narra sa pamamagitan ng virtual presser.

“Dahil na rin sa patuloy nating nararanasan ang banta ng covid19 at pinagbabawal ang mass gathering kung kayat kahit paano para maipagdiwang lamang ang 14th Katala Festival sa bayan na ito ay isinagawa na lang ito online,” PASu Pablo Cruz ng Rasa Island Wildlife Sanctuary.

Noong June 25 isinagawa sa pamamagitan ng FB account ng Philippine Cockatoo Conservation Program (PCCP) ang online viewing nito ng 10 a.m. ng umaga.

Kabilang sa mga aktibidad na ipinakita online ay ang Festival Messages and Orientation kung saan nagbigay ng mga mensahe ang ibat-ibang mga paaralan at mga estudyante kung ano ang naaalala nila sa mga magagandang kaganapan ng Katala Festival noong mga nakalipas na taon.

“Laging nakaka-excite ang Katala Festival sa Narra, at nakakalungkot lang dahil wala talagang actual na celebration pero masaya pa rin,ang daming activities online nakaka-miss din ang bird watching sa Rasa Island,” ayon kay Cristina Cinco ng Wild Bird Club of the Philippines.

Sinundan pa ng mga photo essay contest online, photo poem at Best Photo in the Wild Katala in the Backyard ang ilang mga aktibidad na ipinamalas online.

Samantala, noong June 26 isinagawa online ang quiz show at diskurso na nilahukan din ng iba’t-ibang mga paaralan na nag-submit online nga mga entry.

Sa pagtatapos ng online celebration, nagbigay naman ng mensahe si DENR-PENRO Eriberto Saños na hinahamon ang mga taga-Narra, lalo na ang mga kabataan na patuloy na pangalagaan ang Rasa Island na nagsisilbing tahanan ng mga Philippine cockatoo o katala.

“Nagpapasalamat ako sa LGU, mga local sector, mga park wardens natin, at Katala Foundation sa patuloy na pangangalaga ng katala natin sa Rasa Island. Ang Narra ay home of the Philippine cockatoos kaya panatilihin natin ang pangangalaga dito,” sabi ni Saños.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry