Isang security guard na on duty sa palengke ng bayan ng El Nido ang binugbog ng kanyang mga kasamahan na security guard noong madaling araw ng Sabado.

Kinilala ang biktima ng Provincial Police Office (PPO) na si James Alicante Dumip-pig, 22. Ang mga suspek naman ay pinangalanan bilang sina Ronald Sapanta Vincue, 23, Christian Tingson, at Jay-ar James Seriaco.

Sa tatlong suspek, si Vincue lang ang naaresto ng mga pulis, ayon sa PPO.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng El Nido municipal police, nasa Municipal Economic Enterprise Development Office (MEEDO) ng palengke si Dump-pig ng lapitan siya ng tatlong suspek at pagbubugbugin ng mga ito. Bukod dito ay, pinalo din umano ito ng isang matigas na bagay sa ulo.

Sabi ni Dumip-pig, hindi niya alam kung bakit siya pagtutulungan na bugbugin ng tatlong kasamahan na security guards.

Sa report ng pulis, kahit hilo at bugbog na ay nanlaban si Dumip-pig sa mga kasamahan at naiputok nito ang service firearm na tumama ang bala sa kaliwang baywang ni Vincue.

Dinala sa isang ospital sa Puerto Princesa City ang biktima at nagpapagaling dahil sa tinamong sugat sa mata at mga bugbog.

 

About Post Author

Previous articleAll Manila bound flights from Palawan canceled until further notice
Next articleSea turtle eggs confiscated in Roxas
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.