Patuloy pa rin ang paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang Mark Anthony de Lara,19, na naiulat na nawala habang naliligo sa dagat ng Sto. Nino Beach, Napsan noong November 2.

Ayon kay Ens. Mona Villacillo ng Coast Guard District Palawan (CGDPal) sa panayam ng Palawan News, patuloy pa rin ang maritime patrol at special operation sa naturang lugar.

Unang naiulat na naglalangoy sa dagat si de Lara at tatlo pang mga kasamahan nito ng tangayin sila ng malakas na agos patungo sa malalim na bahagi ng dagat habang naglalangoy. Nakaligtas umano ang tatlo habang si de Lara ay hindi na nakita.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang CGDPal na makikita si De Lara sa kabila ng ilang araw na itong nawawala sa Napsan.

“Hindi pa tayo nagde-declare ng retrieval although yong ating special operation unit na surface na nila underwater ang pinangyarihan and the vicinity,” ayon kay Beliisillo.

 

About Post Author

Previous articleMotorcycle riders na dumadaan sa BM Road, pinag-iingat ng pulisya
Next articleSM malls provide immediate assistance to families affected by Typhoon Rolly
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.