Kuha mula sa isinasagawang assessment at documentary review ng RAT ng DILG sa pamahalaang panlalawigan ng Palawan. (Photo from Palawan Provincial Information Office)

Pinangunahan ng Regional Assessment Team (RAT) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang assessment at documentary review ngayong araw, Mayo 27, sa pamahalaang panlalawigan ng Palawan para sa 2020-2021 Seal of Good Local Governance (SGLG).

Sinuri ng SGLG RAT ang mga dokumento at sertipikasyon na inilatag ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan na kinakailangan para maipasa ang 10 governance areas ng SGLG na kinabibilangan ng Financial Sustainability and Administration; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace, and Order; Environmental Management; Tourism Heritage Development, Culture and Arts; at Youth Development.

Nakatakda rin na magsagawa ng on-site validation/field assessment ang SGLG RAT sa ilang munisipyo sa lalawigan upang suriin ang ilang ospital, Disaster Risk Reduction facilities at signages.

(Photo from Palawan Provincial Information Office)

Kabilang sa SGLG RAT sina DILG Regional-Local Government Operations Officer IV Riznette Kathleen Sales, DILG Palawan Director Virgilio Tagle, LGOO II Grace Tabat, at Puerto Princesa City Director Eufracio Forones Jr.

“Ang maiko-commit po siguro namin bilang assessment team is that anything na kami po ang may hawak ng decision to appreciate the indicator, we will be doing it in favor with the provincial government, like halimbawa it is a plan provided na may approval and actions, hindi na namin titignan dahil we will just base on facts and figures,” ayon kay Forones.

“‘Pag meron naman na discrepancy na kailangan i-reconcile, kailangan natin magbigay ng needs of verification para mapabago natin sa national government agency ‘yung data. We hope and pray na everything goes well today,” dagdag niya.

Previous articlePermanent validity of birth certificate to ease Filipinos’ burden
Next articleNTC approves registration of Elon Musk’s SpaceX subsidiary Starlink