Si Audrey Atchera ng Calategas Elem School sa Narra Palawan ang itinanghal na champion sa Student Leaders Category-Elementary Level sa Gawad Siklab 2021.

Nagwagi bilang Most Outstanding Student Leader sa provincial level ng Gawad Siklab 2021 ng Department of Education (DepEd) si Audrey Nicole Atchera, isang Grade 6 na estudyante mula sa Calategas Elementary School sa bayan ng Narra.

Ang parangal ay inilabas ng DepEd Schools Division Office-Palawan (SDO-Palawan) sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 164 noong Mayo 14.

Si Atchera ay itinanghal na kampeon sa elementary level para sa kanyang proyektong School Clinic, Equipment and Supply na iprinisinta niya sa tulong ng kaniyang guro at coach na si Merla Bautista. Siya ang naging kinatawan ng kanyang paaralan bilang presidente ng Student Pupils Government.

Ang nasabing proyekto sa kaniyang paaralan ay sinimulan nang itayo sa tulong ng ilang stakeholders.

Ayon kay Bautista, napili ng kanilang paaralan na maging entry ni Audrey ang pagtatayo ng school clinic sa Calategas Elementary School. Ginawaan ito ng ibat-ibang documentation, kinunan ng mga larawan ang mga materyales para sa planong school clinic building at iba pang mga impormasyon para dito at kung paano ito makakatulong sa paaralan lalong-lalo na sa mga estudyante.

“Ang lahat ng documentations ay ginawa namin, pictures, objectives at ang kahalagahan nito at kung ano ang magagawa ni Audrey. Kasama rin ang mga accomplishment report niya bilang presidente ng SPG sa paaralan,” paliwanag ni Bautista.

“Pagkatapos na magawa lahat ng iyon, binuo ito sa pamamaagitan ng portfolio at ipinadala noong buwan ng Marso sa Division of Palawan, sa Gawad Siklab 2021 at lubos ang aming panalagin na sana ay makuha ni Audrey ang champion sa student leaders category,” dagdag niya.

Ayon kay Atchera, hindi niya inaasahang mananalo siya sa nasabing patimpalak.

“Hindi ko po sukat akalain na makukuha ko po ang championship sa Elementary level para sa student leaders category. Salamat po sa tatay ko at nanay ko na nag-guide sa project ko at sa guro na naghandle ng entry namin,” pahayag ni Atchera.

Sa kanyang pagkapanalo sa provincial level, si Atchera ay nahirang din bilang kinatawan ng (SDO-Palawan) sa regional level ng kompetisyon.

“Sa May 27 sana ang national awarding ceremony kaya lang naatras ang eschedule dahil sa pandemya natin sa COVID-19. hindi pa rin naglalabas ng result for regional level sa ngayon. Wala pa kaming idea,” pahayag ni Bautista.

Ang Gawad Siklab ay isang taunang patimpalak na nakaayon sa OUA Memorandum 00-0321-0042 kung saan nagsimula noong March 3, 2021 na tinawag na Gawad Siklab: Search For Outstanding Program Implementers, Student Leaders, Teacher-Advisers, School.

Layunin ng patimpalak na magibyan ng pagkilala ang mga accomplishment at iba pang contribution ng mga mag-aaral, guro, tagapangasiwa at mga stakeholders ng DepEd.

Previous articleBagong heavy equipment ng bayan ng Roxas maaari nang magamit sa mga proyekto
Next articleRBI system sisimulan nang gamitin ng New Agutaya Elementary School sa San Vicente
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.