The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) reported on Monday, May 1, that cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms will affect Mindanao and Palawan due to the intertropical convergence zone (ITCZ).

The weather bureau issued a warning in its 4 a.m. bulletin of possible flash floods or landslides in Mindanao and Palawan due to moderate to heavy rain.

“Makikita sa ating latest satellite images na ITCZ ang nakakaapekto, partikular na sa Palawan at Mindanao. Ngayong araw ay malaki ang tsansa na magiging maulap ang kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog, lalo na sa may Palawan area at sa may Mindanao (Our latest satellite images show that the ITCZ is affecting particularly Palawan and Mindanao. Today, there is a high chance that the skies will become cloudy with scattered rain showers, thunderstorms, and lightning strikes, especially in the Palawan and Mindanao areas),” said weather specialist Obet Badrina.

Easterlies and localized thunderstorms will cause isolated rain showers or thunderstorms in the rest of the country, including Metro Manila, as per PAGASA’s report.

Mindanao will experience slight to moderate seas as a result of light to moderate winds blowing northeast to north, while the rest of the country will have light to moderate winds heading east to northeast, leading to slight to moderate seas.

The temperature ranges between 25.9°C and 35.6°C.


BASAHIN SA WIKANG PILIPINO

Inaasahan ang kalat-kalat na mga pag-ulan sa Mindanao at Palawan dahil sa ITCZ

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes, ika-1 ng Mayo, na magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Mindanao at Palawan dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Sa kanilang 4 a.m. bulletin, nagbabala ang weather bureau ng posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa patuloy na pag-ulan sa Mindanao at Palawan.

“Makikita sa ating latest satellite images na ITCZ ang nakakaapekto, partikular na sa Palawan at Mindanao. Ngayong araw ay malaki ang tsansa na magiging maulap ang kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog, lalo na sa may Palawan area at sa may Mindanao,” ayon sa ulat ni weather specialist Obet Badrina.

Sa ulat pa rin ng PAGASA, sinasabi na magdudulot naman ng kalat-kalat na pag-ulan o pagkidlat ang easterlies at lokal na mga pagkidlat sa ibang bahagi ng bansa, kasama na ang Metro Manila.

Makakaranas ng banayad hanggang katamtamang pag-alon ng dagat ang Mindanao dahil sa maliliit hanggang katamtamang hangin na nagmumula sa hilagang-silangan hanggang hilagang direksyon. Sa kabilang banda, magkakaroon ng banayad hanggang katamtamang pag-alon ng dagat sa ibang bahagi ng bansa dahil sa mga hangin na nagmumula sa silangan hanggang hilagang-silangan.

Ang temperatura ay nasa pagitan ng 25.9°C at 35.6°C.

About Post Author

Previous articleBrooke’s Point IPs seek UN intervention against mining in their ancestral land
Next articleUSAID holds GIS skills training to support natural resource management