Improvised pellet gun ang maaring ginamit ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa naiulat na pamamaril sa sasakyan ng vice mayor ng bayan ng Quezon na si Edwin Caabay noong gabi ng July 31 sa pagitan ng Barangay Abo-Abo sa Sofronio Española at Barangay Ipilan sa Narra.

Ito ang lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, ayon sa hepe ng Narra Municipal Police Station (MPS) na si P/Maj. Romerico Remo.

Walang nasaktan sa nasabing insidente, habang ang sasakyan ni Caabay ay nagtamo ng tama sa likuran at tagilirang bahagi nito ng pinaghihinalaan ng mga imbestigador na round marbles na tinawag nilang “jolens”.

Sa ginawa na ocular inspection sa natamong tama ng baril ng pick up na sasakyan, napag alaman na ang tama ay mula umano sa isang improvised gun o mas kilala sa tawag na “boga”.

“Base na rin sa statement ng mga natanung-tanungan namin at base na rin doon sa nakita ng imbestigador, kaya nag-conclude na rin kami na ‘yon lang ‘yon, jolens,” pahayag ni Remo.

Lulan ng pick up na sasakyan ni Caabay si Baliwan at ang drayber ng sasakyan na si Arniel Tanyo mula sa bayan ng Quezon ng maganap ang insidente.

(with a report from Ruil Alabi)

About Post Author

Previous articleKapitan ng barkong pangisda, inaresto sa Narra
Next articlePinaghihinalaang tulak ng droga, arestado sa Brooke’s Point
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.