Sa mga larawan ay makikitang basag ang harapan ng sasakyan ng J&T Express na minamaneho ni John Mark Buñag kaninang umaga, Pebrero 7, 2022, matapos na mabangga nito ang isang biglang tumatawid na kalabaw sa bayan ng Narra. (Larawan mula kay JM Buñag)

Basag ang harapan ng sasakyan ng J&T Express samantalang namatay ang isang kalabaw na aksidenteng nabangga nito sa national highway sa Barangay Malinao, Narra, kaninang pasado alas kwatro ng umaga, Pebrero 7.

Ang drayber ng sasakyan ng J&T Express ay si John Mark Buñag na patungo sana sa mga bayan ng Brooke’s Point at Bataraza para maghatid ng mga parcel. Ang kalabaw na nasawi ay pag-aari umano ng isang Cezar Fraginal, 40 taong gulang.

Ang isa sa dalawang kalabaw na nasawi matapos aksidenteng mabangga ng sasakyan ng J&T Express sa Barangay Malinao, Narra. (Larawan mula kay JM Buñag)

Ayon kay Buñag, dalawa ang kalabaw na tila naghahabulan sa madilim na bahagi ng kalsada. Pagkatapos ay biglang tumawid ang isa kaya niya nabangga.

“Bale dalawang kalabaw yan. Naghahabulan po sila, tumawid bigla sa kalsada. Madilim yong lugar kaya yon nagulat ako nasa harap ko na. Late na na-apply ang preno ko,” pahayag ni Buñag.

Dinala ang kalabaw sa Narra Slaughter House, habang nakatakda naman silang mag-usap ng may-ari sa barangay.

Previous articleIndigent senior citizens at PWD nakatanggap ng kanilang social pension mula sa Kapitolyo
Next articleIligan City donates P1M to Odette victims in Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.