(Photos courtesy of Vilma Lagera)

ROXAS, Palawan — May 700 kilos ng isda ang ipinamahagi ng libre ng dalawang pamilya na good Samaritans sa bayan na ito sa mga residente bilang ayuda sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ang mga namahagi ng isda sa may tinatayang 2,200 pamilya sa Roxas ay ang Mampay at Lagera families.

“Mga 700 kilos na — masaya kami na nakakapag-about ng tulong sa kapwa. Actually, hindi namin first time yan na ginawa. Marami ng pagkakataon — in this COVID-19 [krisis,] pang-3rd wave na namin ‘yang isda. Kaugalian na ng pamilya Mampay at Lagera, plus nai-inspire pa kami sa mga taong nagbibigay din at nag-aabot ng kanilang resources as a way of serving God,” sabi ni Vic Lagera.

“Isang malaking bagay din na panahon ng Mahal na Araw. Since hindi makapangilin sa church dahil bawal mag-tipon, dito na lang namin idinaan ang paghahayag ng pananampalataya sa Diyos,” idinagdag niya.

Simula pa noong nakaraang Linggo, March 25, nasa may 2,200 families na ang nabigyan nila, ayon naman kay Vilma, ang asawa ni Vic.

Aniya, sa Barangay 4 pa lang sila nakakapagbigay dahil ito ang may pinakamalaking populasyon sa Roxas. Ang set-up nila ng pamamahagi ay bawat purok.

“Nagtatawag kami sa bawat madaanan namin na mga bahay. Purely to give thanks to God because He still gave us blessings. We know He will love it kapag na-share din namin sa iba to help them in this situation,” sabi ni Vilma.

Sabi niya, iba-ibang klase ng sariwang isda ang kanilang ipinamimigay simula pa noong March 25. Namimigay din sila ng tuyo (tabagak) at maging bigas.

Kapag may pumupunta sa kanilang bahay, pinapabaunan din nila ito ng kahit anong meron sila na puwedeng makain.

“Kahapon po April 5, fresh fish, at hindi lang yan pag may mga pumupunta sa bahay kahit sino bago umalis may ipapabaon kami kahit ano na meron sa bahay,” sabi niya.

Sabi ni Vilma, sa panahon ngayon ay napaka-importante ng pagtutulungan. Ito ang isa sa pinaka kailangan ng Palawan.

About Post Author

Previous articleYouth group calls for donation for garbage collectors
Next articleHospitals advised to seek police help when needed
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.