Sep 25, 2020

Sariwang isda, food pack ipinamahagi ng LGU Mansalay

Laman ng nasabing food packs ay kakaiba dahil ito ay mga sariwang isda na ang karaniwan ay naglalaman ng noodles, kape, asukal, bigas at iba pa kung kaya makikita sa mukha ng kanyang mga kababayan ang sigla at tuwa.

File photo courtesy of PIA.

MANSALAY, Oriental Mindoro — Personal na ipinamahagi ni Mayor Ferdinand Maliwanag at ng kanyang maybahay ang mga food pack sa mga residente ng 17 barangay ng bayang ito simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Laman ng nasabing food packs ay kakaiba dahil ito ay mga sariwang isda na ang karaniwan ay naglalaman ng noodles, kape, asukal, bigas at iba pa kung kaya makikita sa mukha ng kanyang mga kababayan ang sigla at tuwa.

Ayon sa alkalde, “pinapakyaw ko na ang mga banyera ng mga huling isda ng mga basnig mula sa Mansalay Bay upang hindi na sila mahirapan pang maglako o ilagak sa pamilihang bayan dahil wala naman makakapunta bunsod sa umiiral na home quarantine at ayaw kong masayang ang kanilang pinaghirapan. Mula ito sa programang food assistance ng LGU.”

Samantala, may sapat pa aniyang pondo ang lokal na pamahalaan upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao. Pakiusap lamang ng alkalde sa kanyang mga kababayan na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan upang maging ligtas at sila na ang bahala na mapunan ang pangangailangang pagkain para patuloy na maging ligtas at ‘COVID-19 free’ ang bayan. (DPCN/PIAMimaropa)

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry