Arestado ang isang lalaking hinihinalang sangkot sa iligal na droga sa Roxas matapos itong tumanggap ng isang package galing sa Puerto Princesa City na naglalaman ng mga sachet ng shabu.

Kinilala ni P/Cpt. Erwin Carandang ang suspek na si Eduardo A. Eyena, 49, isang sapatero na may pwesto sa palengke ng bayan ng Roxas. Nasa watchlist si Eyena ng mga awtoridad.  Dinampot si Eyena matapos nitong tanggapin ang padalang package na inaalam pa ang taong pinanggalingan.

Inaresto ng mga awtoridad si Eyena habang tinatanggap ang padalang box na pinaghihinalaang may laman na droga mula sa isang van sa public terminal bandang 10:45 ng umaga noong Biyernes (Enero 22).

 

- Advertisement -

 

Sa taya ng Roxas police station, aabot sa P112,000 ang market value ng nasabing droga.

“Kasama siya sa watchlist natin sa Roxas, kasama siya sa sinu-surveillance. Based sa intel report namin, bumalik nga siya sa dating trabaho niya sinurveillance namin,” pahayag ni Carandang

“Under investigation pa kung sino ang sender niya (box) kasi non-cooperative pa siya. Ayaw pa magsalita kung sino ang source niya sa Puerto,” dagdag pa nito

Nakuha sa suspek ang walong sachets ng pinaghihinalaang shabu na nakasilid sa handle ng walis o stainless handle ng hand-propelled sweeper na nakabalot sa itim na carbon.

 

Previous articleNumber of new COVID-19 variants rise
Next articleCulion’s new ambulance vandalized
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.