(File Photo)

SAN VICENTE, Palawan – Naglabas ng bagong kautusan ang Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) on COVID-19 ng bayan na ito para sa pagluluwag ng travel restrictions para sa mga fully vaccinated travelers simula ngayong araw ng Biyernes, Disyembre 3.

Sa ilalim ng Resolusyon No. 11-06 ng MIATF, tinanggal na ang negatibong resulta ng RT-PCR test bilang requirement sa kanilang pagbiyahe at sa halip ay negative rapid antigen test result na lamang ang kinakailangang iprisenta.

Ang nasabing requirement ay para sa mga turistang mula sa labas ng Palawan, returning residents, locally-stranded individuals (LSI), authorized persons outside residence (APOR), at returning overseas Filipinos (ROF).

Ang bagong panuntunan ay kaugnay ng pagpapatibay ng MIATF noong ika-27 ng Nobyembre sa Executive Order No. 83, Series of 2021 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

- Advertisement -

Kinakailangan ding magpakita ang mga naturang byahero ng vaccination card o di kaya ay vaccination certificate mula Department of Health (DOH) at magrehistro sa s-pass.

Sasailalim naman ang mga bakunadong LSI, RR at ROF sa pitong araw na home quarantine kung ang mga miyembro ng uuwiang pamilya ay fully vaccinated na rin at may bukod na tutuluyang kwarto. Pitong araw naman sa facility-based quarantine at karagdagang pitong araw na home quarantine para sa mga hindi pa bakunado o partially vaccinated lang na umuuwing residente.

Samantala, mananatili ang RT-PCR requirement para sa mga ROF, RR, APOR at domestic tourist na hindi bakunado o partially vaccinated pa lamang.

Ang mga domestic tourist, bakunado man o hindi, ay dapat na mayroong return ticket, pre-booking sa mga accredited tourism establishments, travel itinerary, koordinasyon sa Municipal Tourism Office of Emergency Operations Center at dapat na sumunod sa ipinatutupad na travel bubble scheme.

Wala na ring antigen requirements ang mga fully vaccinated tourists mula sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan at lungsod ng Puerto Princesa.

Ang pagbabago sa panuntunan ay bilang pagsunod sa mga itinatakdang polisiya ng pamahalaanat upang makahikayat ng mas marami pang indibidwal na magpabakuna at makatulong na makamit ang herd immunity.

Previous articleTatlong bayan sa sur ng lalawigan, nag-deklara ng matagumpay na pagsasagawa ng National Vaxx Day
Next articleSpread the love and share the joy this Christmas with Body Shop
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.