Bayan ng San Vicente. | File photo

SAN VICENTE, Palawan — Muling naglabas ng resolusyon ang Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) na naglalaman ng panuntunan para sa muling  pagbubukas ng bayan para sa mga regular na biyaherong pupunta at aalis, simula ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 16.

Sa bisa ng amended Resolution No. 0402-2021, bagama’t bukas na ulit ang bayan para sa regular na biyahe ay kailangan pa ring sumunod ng mga biyahero sa ilang patakaran.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok ng biyahero na nasa lugar na kasalukuyang nasa ilalim ng critical zone.

Ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) at uuwing residente na nasa lalawigan lang ng Palawan ay kailangang magpakita ng valid ID, proof of residency, approved travel pass slip, travel/mission order (para sa APOR), passenger manifest, health clearance ng panggagalingang barangay sa loob ng 24 oras at negative antigen result maliban kung balikan ang biyahe o hindi lalampas ng ika-10 ng gabi.

- Advertisement -

Para sa mga APOR at iba pang residente kabilang na ang mga OFW na uuwi gagaling sa labas ng lalawigan, sa halip na antigen ay kailangan ang negative RT-PCR n nakuha 48 oras bago ang pagbyahe, pitong araw na quarantine sa pasilidad ng pamahalaan, antigen test makalipas ang pitong araw at S-pass registration.

Ang mga turista na manggagaling sa ibang munisipyo ng Palawan ay kailangang magpakita ng negative antigen test na nakuha sa loob ng 24 oras bago ang takdang biyahe, proof of booking sa DOT accredited at TIEZA licensed accommodation, makipag-ugnayan sa Municipal Tourism Office at mag-rehistro sa sanvicentepalawan.gov.ph/tourism at sa S-pass. Kailangan ding muling sumailalim sa antigen test makalipas ang pitong araw sa bayan.

Karagdagang requirement din para sa mga turistang manggagaling sa labas ng lalawigan ang negative RT-PCR result sa loob ng 48 oras bago ang biyahe at return ticket.

Ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno na babalik ay kailangang sumailalim sa antigen test makalipas ang limang araw pag-uwi.

Para naman sa mga maghahatid ng essential goods at online shopping deliveries, kailangan ang pass slip mula sa Municipal Economic Enterprise Development Office para sa balikang byahe, health clearance galling sa isang government physician para sa magtatagal ng mahigit isang araw at negative antigen test mula sa isang accredited COVID-19 testing center na nakuha sa loob ng 24 oras bago ang takdang pagbiyahe.

Ang antigen test ay libre para sa mga mga indigent essential travel. Kailangan lamang magpakita ng indibidwal ng kanyang Certificate of Indigency mula sa  kanilang mga barangay.

Samantala, ang mga biyaherong lalabas ng bayan ay kailagan ding magpakita ng valid ID, approved travel pass slip na nakalagay ang petsa ng pag-alis at pagbalik, lugar na pupuntahan, passenger manifest at negative antigen result.

Previous articleMSC Mogpog Extramural Study Center hosts cultural mapping project
Next articleICF to allow religious volunteers entry, ‘paabot’ system after MECQ
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.