Sa larawan ay makikita ang mga senior citizen sa San Vicente na tumatanggap ng tulong pinansyal mula sa MSWDO San Vicente. (Photo courtesy of MSWDO San Vicente)

SAN VICENTE, Palawan — May kabuuang 1,419 senior citizens mula sa mga barangay ng Poblacion, Kemdeng, Binga, New Agutaya, Sto. Niño, New Canipo, at Alimanguan ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng pamahalaang bayan noong araw ng Linggo, Disyembre 26.

Nagsasagawa rin ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng pagbabahay-bahay sa mga benepisyaryo na wala nang kakayahan na magtungo sa mga distribution venue.

Ayon sa MSWDO, ang bawat lolo at lola ay nakatanggap ng halagang P2,000.

Sa pahayag ni Jennelyn Laro, hepe ng MSWDO, ang nasabing ayuda ay bilang bahagi ng suportang binibigay ng lokal na pamahalaan sa pangangailangan ng mga nakatatanda.

- Advertisement -

“Nag-umpisa ito last year na mamigay ng tig P2,000 sa lahat ng registered senior citizens. Ito ay [para] pandagdag sa pambili ng pangangailangan ng ating mga lolo at lola, mga immediate needs nila like mga medicines, pagkain, gatas,” pahayag ni Laro.

Dagdag niya, maaari ring makatanggap ng cash assistance ang mga kwalipikadong residente na wala sa listahan. Kailangan lamang n a pumunta ang mga sa kanilang tanggapan upang magpatala at maidagdag sa kanilang listahan.

“If ever may mga nakaligtaan o wala sa listahan, pwede naman. Magpalista lamang para mai-request natin ng panibagong pondo. Ililista lang para ma-update ang ating list ng senior citizens,” ani Laro.

Maaari ring personal na tumungo sa opisina ng MSWDO ang mga hindi nakapag-claim ng kanilang cash assistance ngunit pinapayuhan ang mga ito na makipag-ugnayan muna sa kanilang barangay at sa presidente ng kanilang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).

Samantala, nakatakda ring magtungo ang MSWDO sa mga barangay ng Port Barton, Caruray at San Isidro sa mga susunod na araw upang maiabot ang tulong pinansyal sa mahigit 980 benepisyaryo.

Nasa 2,700 senior citizens ang target na mabigyan ng cash assistance na naglalayong makatulong sa pambili ng pangunahing pangangailangan ng mga nakatatanda tulad ng pagkain, gamot at iba pa.

Previous articleLBP set to extend financial assistance to all Palawan LGUs in wake of Odette
Next articleDHSUD allocates P100 million to each of the Odette-affected provinces
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.