(Photo courtesy of Fred Odronia)

SAN VICENTE, Palawan – Patuloy pa rin ang isinasagawang paghahakot ng pamahalaang bayan, sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), ng mga natumbang punong kahoy at iba pang mga basura na nakatambak ngayon sa mga gilid ng ilang pangunahing kalsada sa bayan na ito, matapos ang pananalasa ng bagyong Odette, Disyembre nitong nakalipas na taon.

Sa pagtataya ng MENRO, nasa 80 porsyentong tapos na ang paghahakot ng mga basura.

“We prioritized muna ang mga branches na nakahambalang pa rin sa tabi ng kalsada. Nasa 70 o 80 percent na tayo ng pag-collect,” pahayag ni Ian B. Echanes, hepe ng MENRO-San Vicente

“Ang volume niyan ay nasa [barangay ng] Poblacion at New Agutaya. Ito ang inuuna namin dahil ang pinaka-main thoroughfare natin ay nandito,” dagdag niya.

- Advertisement -

Previous articleGov’t mulls ‘no vax, no labas’ policy nationwide
Next articleBatang El Nido launches toy donation drive for Odette-affected children
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.