Ang mga face masks at Ascorbic Acid vitamins na tinanggap ng San Vicente District Hospital (SVDH) mula kina Board Member Juan Antonio Alvarez at Congressman Franz "Chicoy" Alvarez

SAN VICENTE, Palawan — Nakatanggap ng may kabuuang 160 kahon ng face masks at 160 kahon ng Ascorbic Acid vitamins ang San Vicente District Hospital (SVDH) mula kina Board Member Juan Antonio Alvarez at Congressman Franz “Chicoy” Alvarez araw ng Biyernes, Hulyo 16.

Ang nabanggit na mga medical supplies ay tinanggap ng pamunuan ng SVDH sa pangunguna ni Dr. Peter Mcgerald E. Penullar. Aniya, malaking tulong para sa proteksyon ng kanilang mga frontliners laban sa COVID-19 ang mga natanggap na donasyon.

“Thank you po [sa mga donasyon] at kailangang-kailangan po talaga namin ng mga suplly ngayon kasi paubos na. Malaking tulong [ito] lalo na ngayon na mukhang magsu-surge na naman ang ating kaso so kailangan talaga ng protection ng ating mga frontliner,” pahayag ni Penullar.

Maliban sa SVDH ay nagkaloob din ng katulad na mga medical supplies sa mga ospital ng Taytay at Roxas.

About Post Author

Previous articleTwo Palaweña candidates to Miss Universe Philippines 2021 named
Next articleDOE resumes oil & gas activities, licensing of new contract areas in the WPS
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.