Screenshot from the TikTok Video of Fr. Richard Lagos

Dahil sa sunod-sunod na mga aktibidad ng simbahan kaugnay ng Mahal na Araw, muling kiinagiliwan ng mga netizens ang video na ibinahagi ng isang pari sa social networking site na Tiktok, matapos makunan ang isang sakristan na nakatulog sa gitna ng misa.

Sa Tiktok video ni Fr. Richard Lagos noong March 16, makikita na hindi namalayan ng sakristan na nasa pag-aalay na ang misa dahil ito ay nakatulog sa loob ng sacristy ng Shrine of the Holy Face of Jesus, Immaculate Conception Parish sa Nampicuan, Nueva Ecija.

Makikita sa video na ang pari na lamang ang kumuha ng binahera, siboryo, kalis, at iba pang mga sacred vessels para sa paghahain ng eukaristiya.

Agad namang ginising ng live streaming technician ang sakristan na napatalon sa kinauupuan ng mamalayang ang pari na ang gumawa ng kanyang tungkulin.

Bilib naman ang mga netizens sa pari dahil hindi na nito ginising ang sakristan.

“Self-service si Father,” sabi ng isa.

“Walang comment si Father pero napost ka na niya,” biro naman ng isa.

About Post Author

Previous articleMan injured in Black Saturday hacking incident in Narra
Next articleSparkle artist Michael Sager, spends Holy Week as a ‘Morion’ in Marinduque