Nayabangan sa biktimang si Belendro Bermudez, 57, ang mga suspek sa pagpaslang sa kanya sa Barangay Santa Lucia, dito sa lungsod, matapos ipangakong gagawin niyang pera ang isang dahon sa pamamagitan ng magic.

Ngunit nang sumablay ang magic, nagalit ang mga suspek na kinilalang sina Edward Bautista Valdez, alyas Nognog, at Jayson Nicar Riomalos, alyas Burdig, kaya pinukpok ang biktima ng bote at hinampas ng kahoy sa ulo na naging dahilan ng pagkasawi nito.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kustodiya na ng Puerto Princesa City Police Station 2 (PS-2) ang dalawang suspek.

Si Bermudez ang lalaking natagpuan ang katawan noong umaga ng Marso 15 sa Purok Zigzag 1, Brgy. Santa Lucia, ayon sa spot report na inilabas ng pulisya.

- Advertisement -

Sa pahayag ng source ng Palawan News na hindi puwedeng banggitin ang pangalan, sina Valdez at Riomalos ang kainuman ni Bermudez noong gabi ng Marso 14 bago ito nakitang patay sa Santa Lucia.

Ikinuwento ng source na kahapon, Marso 16, sumuko si Valdez sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), pasado alas dose ng tanghali, bago ito ibinigay sa kustodiya ng PS-2.

“Sa pulis na po si Riomalos, siya ang tumestigo laban kay Valdez. Si Nognog (Valdez) daw ang humampas sa ulo ng biktima. Pero noong nakuha na si Nognog, nagsabi ito na si Burdig (Riomalos) ang unang pumalo ng bote at saka sinundan ni Nognog nang palo ng kahoy sa ulo,” pahayag nito.

“Nagalit ang mga suspek dahil sabi nayabangan kay Bermudez. Sabi kasi niya ang dahon ay gagawing pera sa magic niya. Hindi po nangyari, ayon, hinampas siya ng dalawa,” dagdag pa ng source.

Si Riomalos naman ay inaresto habang nasa PS-2 dahil una na nila itong nasa kustodiya bilang testigo laban sana kay Valdez. Ngunit sa patuloy na imbestigasyon, itinuro naman ito ni Valdez bilang siyang naunang pumukpok sa biktima ng bote.

Sa inisyak na pahayag ni P/Maj. Noel Manalo, hepe ng PS-2, noong unang panayam ng Palawan News, nagpapakain ng kanyang alagang manok ang residente na si Armando Blanca Malubay ng napansin nito ang katawan ni Bermudez na nakahandusay lang sa daan patungo sa kanilang bahay.

Samantala ang live-in partner ni Malubay na si Babylyn Sabdani Lumbay, ay nagpahayag naman sa imbestigasyon na Lunes lang ng gabi, Marso 14, ay kainuman pa ni Bermudez ang isang nagngangalang Edward Bautista, alyas Nognog, sa painuman sa kanilang lugar.

Previous articleWater shortage situation unlikely – PPCWD
Next articleNCIP clamps down on Ayala Corp’s tourism operations in El Nido
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.