Jul 8, 2020

Romblon idineklarang rabies-free zone

PASIG CITY, Oktubre 2 (PIA) — Pormal ng idineklara ng Department of Health at ng Department of Agriculture ang probinsya ng Romblon bilang isang Rabies-Free Zone, base sa rekomendasyon ng Regional Rabies Prevention and Control Committee (RRPCC).

Tinanggap ni Dr. Paul Miñano, Provincial Veterinarian (ProVet) ng Romblon, ang parangal noong ika-30 ng Setyembre sa ginanap na World Rabies Day 2019 Celebration sa DepEd Bulwagan ng Karunungan, Pasig City.

Ayon kay Miñano, malaking karangalan para sa probinsya ang natanggap na pagkilala at maging ikalawa sa rehiyon ng Mimaropa kasunod ng Marinduque na maideklarang rabies-free zone.

Hindi umano natatapos ang pagpapagod ng mga tauhan ng Office of the Provincial Veterinarian at ng mga local government unit dahil dapat mapanatili ng probinsya ang estado na ito.

Magpapatuloy umano ang pagbabantay sa mga pantalan at iba pang pwedeng daanan ng mga asong walang papeles mula sa mga karatig probinsya.

Ang probinsya ng Romblon ang ikalawang probinsya sa rehiyon ng Mimaropa na idineklarang rabiess-free zone, kasunod ng probinsya ng Marinduque. (PJF/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Share your vote!

How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry