Umaasa ang lokal na pamahalaan ng Cuyo na bago matapos ang taong kasalukuyan ay mapapakinabangan na ng mga residente ng Barangay Manamoc ang itinatayong Rural Health Unit (RHU) building doon.

Ang nabanggit na gusali na nagkakahalaga ng P12 million ay magkatuwang na pinondohan ng pamahalaang bayan at ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Mayor Mark Delos Reyes, malaki ang maitutulong nito sa mga residente ng isla ng Manamoc para sa atensyong medikal. Dagdag niya, dahil na rin sa kalayuan ng isla sa mainland ng bayan kaya kinailangang malagyan ito ng RHU.

“Welcome development ito para sa amin lalo na sa mga taga-Manamoc, sa emergency needs nila. Mas mapapadali at mas mapapabilis [ang serbisyong medikal] dahil may mas malapit na sa kanilang lugar sa oras ng pagpapagamot na kinakailangan,” paliwanag ni delos Reyes.

“Patapos na ang ilang bahagi ng RHU  at posible baka before December tapos na ito,” aniya.

Dagdag pa ni Delos Reyes, kapag natapos na at operational na ang RHU ay maaaring magkakaroon sila ng counterpart para sa manpower. May posibilidad umano na mag-hire sila ng ng mga midwife o nurse na ilalagay sa RHU.

Previous articleCIDG may continue crackdown vs ‘ukay-ukay’ sans Bureau of Customs endorsement
Next articleLocal contractor defends “faulty” streetlights in Inagawan, says they’re within specs
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.