Banner photo from Puerto Princesa City Information Department

Following is a summary of the Revised Guidelines on implementing the Enhanced Community Quarantine (ECQ) within the Critical Zone of Barangays of San Miguel, San Pedro, San Manuel, San Jose, and Sta. Monica, Puerto Princesa City, under LIATF Resolution No. 38.

  1. Ano ang ibig sabihin ng “hard lockdown”?

Ito ang terminong ginamit ng PPC IATF upang mas mapaigting ang mga umiiral na panuntunan sa loob ng mga naunang idineklarang Critical Zone at isinailalim sa loob n Enhance Community Quarantiine (ECQ), na mga barangay ng San Miguel, San Pedro, San Manuel, San Jose at Sta. Monica.

Base ito sa desisyon ng LIATF sa pamamagitan ng Resolution No. 38 kung saan nakita nito na kinakailangan pang magkaroon ng “restrictive movement” sa loob ng critical zones upang mas maisakatuparan ang layuning na pagdeklara nito.

  1. Maaring bang lumabas ang mga residente sa loob ng limang barangay sa kanilang mga tahanan?

Ang isang residente ay maari lamang lumabas ng kanyang tahanan kung sya ay mayroong Quarantine Pass, Ngunit limitado lamang ang kanyang galaw o transakyon sa loob ng lamang ng limang barangay sa ilalim ng ECQ.

Ang Quarantine Pass ay kukunin sa kanyang barangay at makikita rito ang kanyang pangalan, dahilan o purpose ng paglabas ng tahanan, at validity period ng Quarantine Pass.

  1. Sinu-sino ang maaring pumasok sa loob ng, o lumabas galing sa Critical Zone?

• Lahat ng residenteng mayroong medical emergency o ang mga magpapabakuna para sa COVID-19 sa City Coliseum
• Mga sasakyang galing sa labas ng critical zones na ang destinasyon ay sa labas rin nito at daraan lamang sa National Highway. Kinakailangang magpakita ng dokumentong magpapatunay ng lugar na pinanggalingan at transaksyon sa destinasyong pupuntahan.
• Mga indibidwal na papunta sa airport para sa kanilang byahe palabas ng syudad/probinsya. Kinakailangan ipakita ang ID at ticket.

  1. Kailan ito magiging epektibo?

Ito ay ipapatupad simula April 23, 2021 ganap na ika-labindalawa (12:00 o’clock) ng tanghali, hanggang April 30, 2021

  1. Maari bang lumabas ang mga residente sa loob ng limang barangay palabas sa Critical Zones?

Ang mga residente ng Bgy. San Miguel, San Pedro, San Manuel, San Jose at Sta. Monica ay maaaring lumabas ng Critical Zone kung sila ay:

• May medical emergency o magpapabakuna
• Mga APOR
• Pupunta sa airport para sa kanilang flight

  1. Ano ang mga pagbabago sa “Hard Lockdown” guidelines?

• Mas mababawasan pa ang mga establisyementong maaaring magbukas sa loob ng Critical Zone o ECQ.
• Mas mahigpit na pagpapatupad ng ng Strict Home Quarantine para sa lahat ng mga residente sa loob ng Critical Zone.
• Mas mababawasan pa ang mga otorisadong tao na maaring pumasok, lumabas, o umikot sa loob ng limang barangay na nasa ilalim ng ECQ, at ang mga aktibidades sa loob nito ay mas hihigpitan pa at babantayan.

  1. Ano ang mga establisyementong Hindi na maaaring magbukas sa loob ng Critical Zone?

• Restaurants, eateries, and carinderia—no more dine-in or take out, no more visitors or walk-in orders, no more drive-thru, but only orders over the internet/phone and delivery to home and office within the critical zone may be allowed
• Hotels and pension houses- except only when utilized as quarantine or isolation facility
• Hardware
• Office supplies
• Motorcycle or bicycle shops
• Laundry
• Printing
• Manufacturing
• Recruitment and placement
• Security or janitorial agencies
• Leasing firms
• Lahat ng establisyementong hindi kasama sa listahan ng mga maaring magbukas

  1. Sinu-sino ang maaring pumasok sa loob ng, o lumabas galing sa Critical Zone?
    Ang mga sumusunod na APOR (kinakailangan magpakita ng employement ID o iba pang proof)

a) Doctors
b) Nurses
c) Hospital employees
d) Public Utility Workers (such as employees of PALECO, water district, and telecommunication companies);
e) Cargo movers, logistics and freight forwarders, mailing, and courier
f) Religious ministers, priests, pastors, and the likes
g) Lawyers
h) Humanitarian actors (such as personnel of Red Cross and international aid workers)
i) Government employees or workers.

  1. Sinu-sino ang Hindi maaring pumasok sa loob ng, o lumabas galing sa Critical Zone?

• Mga hindi residente ng San Miguel, San Pedro, San Jose, San Manuel at Sta. Monica na may trabaho sa loob ng limang barangay kahait ang kanilang pinagtatrabahuhan ay isa sa mga pinapahintulutan magbukas sa ilalim ng “hard lockdown”, Maliban kung sila ay mga APOR base sa listahan na nabanggit sa guidelines na ito.
• Mga residente ng mga nasabing barangay na ang dahilan ng paglabas sa Critical Zone ay wala sa mga listahan ng mga pinapayagan kagaya ng medical emergency, going to airport and flying out, or APOR.
• Ang mga lalabas ng Critical Zone para magtrabaho at dating nabigyan ng Quarantine Pass bago mag hard lockdown ay hindi na pinapayagan.

  1. Ano ang mga establisyementong maari na lamang magbukas sa loob ng Critical Zone?

• Hospitals and medical clinics, veterinary clinics
• Sari-sari stores
• Convenience store
• Grocery or supermarket
• Fruit stand/vegetable stand
• Wet and dry market, provided that COVID marshals, barangay tanod, policemen or military personnel are within the premises to strictly enforce minimum public health standards
• Water refilling
• Drugstore
• Food delivery
• Public utility- such as PALECO, water district and telcos
• Logistics, freight forwarder, cargo mover or supply chain delivery
• Mailing and courier services
• Banks
• Pawnshop and money transfer/remittance
• Gas station
• Construction
• BPOs
• Machine repair and maintenance
• Funeral parlors
• Media
• Government offices

11.  Ano ang maaring maging kaparusahan sa pagsuway ng mga nabanggit panuntunan?

Maliban sa mga umiiral na mga ordinansa sa lungsod, ang hindi pagsunod sa mga nasabing panuntunan ay maituturing na Non-cooperation of the person and entiries na isang paglabag ayon sa Section 9m par. (d) or (3) ng Republic Act No. 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) at ng Implementing Rules and Regulations nito.

Sources:

  1. LIATF Resolution No. 38 dated April 21, 2021
  2. NTF Memorandum Circular No. 2 series of 2020 dated June 15, 2020
  3. Omnibus Guidelines on Community Quarantine with Amendments as of April 03, 2021

About Post Author

Previous articleDalawang wanted sa kasong panggagahasa, arestado sa Quezon at Bataraza
Next articleKabataan sa Alimanguan, nakatanggap ng serbisyong pang-komunidad mula sa sundalo at pulis