Pinangunahan ni Palawan Governor Jose Alvarez (gitna) at Engr. Ann Michelle Cardenas ng Palawan Water ang pagpapasinaya ng Community-Based Reverse Osmosis Desalination Plant na may Solar Powered Automatic Dispensing Station sa Green Island sa bayan ng Roxas. (Photo from Palawan Water through Palawan PIO)

Mahigit 300 residente sa Green Island sa bayan ng Roxas ang makikinabang sa kauna-unahang community-based reverse osmosis desalination plant na may solar-powered automatic dispensing station na pinasinayaan noong Pebrero 6.

Matatandaan na buwan ng Abril noong taong 2021 nang isinagawa ang commissioning at testing ng planta na kukuha ng tubig dagat, ipo-proseso ito, at lilinisin upang tanggalin ang impurities para maging high-quality water na tubig na maaaring inumin ng mga residente.

Pinangunahan ni Palawan Governor Jose Alvarez (gitna) at Engr. Ann Michelle Cardenas ng Palawan Water ang pagpapasinaya ng Community-Based Reverse Osmosis Desalination Plant na may Solar Powered Automatic Dispensing Station sa Green Island sa bayan ng Roxas. (Photo from Palawan Water through Palawan PIO)

- Advertisement -

Ayon sa inilabas na pahayag ng Palawan Provincial Information Office (PIO), gagamit ng reloadable keycard ang bawat consumer sa solar dispensing station para makabili ng tubig. Kada litro ay nagkakahalaga ng P0.83 at P25 naman kada 30 litro.

Ang pagpapasinaya ay pinangunahan nina Palawan Governor Jose Alvarez at Engr. Ann Michelle Cardenas, ang head ng Palawan Water, at Mayor Dennis Sabando ng Roxas.

Nakiisa rin ang mga residente ng Green Island sa aktibidad na nagnanais na magkaroon ng malinis na inuming tubig.

Previous articleCOMELEC reminds candidates to secure permits for campaign sorties
Next articleDOT MIMAROPA holds orientation for online accreditation of tourism enterprises in Palawan