No Images found.

Reverse osmosis desalination plant, napapakinabangan na sa Green Island sa Roxas

Ang reverse osmosis desalination plant sa Green Island sa bayan ng Roxas. | Photo by Palawan PIO

Napapakinabangan na ng mga residente ng Green Island sa bayan ng Roxas sa northern Palawan ang reverse osmosis salination plant (RODP) na proyektong inilagak doon ng pamahalaang panlalawigan matapos itong maging operational kamakailan.

Ayon sa post ng Provincial Information Office (PIO), Lunes ng umaga, Abril 26, sa inisyatibo ng tanggapan ni Governor Jose Alvarez ay operational na ang RODP na magpro-proseso ng tubig alat para maging high quality potable water na ang kalidad ay tulad ng mga purified water na nabibili sa mga water refilling station.

Mayroong itinalagang 10 na solar-powered automatic dispensing station sa isla kung saan dito makakabili ng tubig ang mga konsyumer gamit ang reloadable keycard.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 40 Water System Projects sa lalawigan ang natapos na kung saan ay napakikinabangan ng mahigit 212 barangays.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry