Ang baril na narekober ng Bataraza MPS sa pinangyarihan ng insidente. (Larawan mula sa Bataraza MPS)

Wanted sa awtoridad ang isang 64 taong gulang na suspek sa panununtok at pamumukpok ng baril ng 20 taong gulang na anak ng kanyang kaalitan sa Sitio Tuka-angre, Barangay Rio Tuba sa bayan ng Bataraza, noong hapon ng Pebrero 23.

Ang suspek na subject ngayon ng manhunt ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) ay retiradong sundalo ng Philippine Marines na kinilalang si Emelito Resurecion, samantalan ang biktima nito ay si Glenn Justine Asuncion Fulgencio.

Ayon sa hepe ng Bataraza MPS na si P/Maj. Dhennies Acosta ang talagang matagal nang kaalitan ni Resurecion ay ang stepfather ni Fulgencio.

- Advertisement -
Ang biktima ng pamumukpok at panununtok. (Larawan mula sa Palawan PPO)

Sa spot report na natanggap ng Palawan News mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO), sinasabi sa inisyal na imbestigasyon na noong nangyari ang insidene ay sakay si Fulgencio ng Mitsubishin Pajero nito at pauwi na sa kanilang bahay nang harangin ni Resurecion na naka-motor sa nasabing lugar.

Paghinto ni Fulgencio ay bumaba naman si Resurecion sa motor na kanyang minamaneho at nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo. Dahil dito, bumunot ng baril ang suspek at itinutok ito sa biktima. Pagkatapos ay pinukpok niya ang biktima sa kaliwang bahagi ng ulo ng baril, hanggang sa nagpambuno ang dalawa at nag-agawan sa baril na aksidenteng pumutok.

Mabuti na lamang ay may dumaang isang residente kaya natulungan nito na ma-disarmahan ang suspek.

“Ang kaaway ng suspek ay ang stepfather ng biktima, Away sa lupa ang maaaring dahilan ng incident,” ayon kay Acosta.

“Ang biktima ay pauwi na sana sa Gadzan, tapos hinarang siya ng suspek, nagkaroon na nang argumento, hanggang sa nangyari na yung pagbunot ng baril, at pananakit,” pahayag pa ng hepe ng Bataraza MPS.

Aniya, ang stepfather ng biktima na si Glecerio Urdaneta Caballero ay naaresto rin ng CIDG noon sa Gadza matapos mahulihan ng baril.

Narekober sa lugar ang isang caliber 45 Armscor pistol na may tatlong bala na magsisilbing ebidensya laban sa suspek.

Ang kasong pinaghahandaang isampa laban kay Resurecion ay attempted at paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa gun ban at paglabag sa Republic Act 10591.

Previous articleChurch reminds faithful of martial law experiences
Next articleCloudy days ahead, says PAGASA
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.