Fri. Dec 13th, 2019

Resort staff na suspek sa pagtutulak ng shabu, huli sa El Nido

Ang suspek na si Jiboy Estocado dela Torre (pangalawa sa kaliwa) habang iniimbestigahan ang kaso ng pagkakahuli sa kanya sa bayan ng El Nido noong madaling araw ng September 29. (Photo by El Nido MPS)

Walong pakete ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska noong Sabado, September 29, ng madaling araw sa isang suspek sa pagtutulak sa bayan ng El Nido.

Kinilala ni Chief Insp. Thirz Starsky Timbancaya ang suspek na si Jiboy Estocado dela Torre, 30, na nagtratrabaho bilang resort staff sa hindi na binanggit na establisyemento.

Makikitang nakatayo sa tabi ng kalsada sa Barangay Maligaya ang suspek na si Dela Torre (pangalawa sa kaliwa, nakasuot ng t-shirt na puti) habang isinasagawa ang imbestigasyon. (Photo by El Nido MPS)

Naaresto siya bandang 12:50 a.m. ng mga operatiba ng El Nido Municipal Police Station (MPS) at nakuha din sa kanya ang isang cell phone at ang marked money na ginamit ng asset para makabili ng sinasabing shabu.

Base sa paunang imbestigasyon ng El Nido MPS, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation sina Timbancaya sa Barangay Maligaya matapos makabili ang kanilang asset kay Dela Torre.

Nang masakote at kapkapan ito ay nakita nga ang mga pakete ng pinaghihinalaang shabu sa kanyang suot na damit.

Nasa kustodiya nila ngayon si Dela Torre para sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry