Oct 23, 2020

Resolusyon para sa pagtatayo ng slaughterhouse, inaprubahan sa Agutaya

“Madami dito ang nagkakatay lang ng mga baboy sa mga bahay-bahay nila. Nais lang natin masiguro na ang mga karne na binibenta at nabibili natin ay malinis at ligtas na dumaan sa tamang proseso at inspeksyon ng awtorisadong tao na maitatalaga dito,” sabi ni Aban.

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Agutaya ang isang resolusyon na naglalayon na makapagpatayo ng slaughterhouse at magkaroon ng designated meat inspector.

Ayon kay Henry Aban, isa sa mga nag-akda ng Municipal Resolution No. 70, inaprubahan ito noong July 1 upang masiguro na maayos ang pagmumulan ng suplay ng karne.

“Madami dito ang nagkakatay lang ng mga baboy sa mga bahay-bahay nila. Nais lang natin masiguro na ang mga karne na binibenta at nabibili natin ay malinis at ligtas na dumaan sa tamang proseso at inspeksyon ng awtorisadong tao na maitatalaga dito,” sabi ni Aban.

Ayon naman kay Madrigal Larang, executive assistant sa tanggapan ni Mayor Perla Bacuel, ang pagkakaroon ng slaughterhouse ay nangangailangan ng budget na pag-uusapan pa sa kanilang bayan.

Kailangang ang mga karne ay dumaan sa health protocols lalo na’t uso ang mga sakit na nagmumula umano sa mga hayop.

“Maganda at mainam po yon dahil masisiguro natin na lahat ng karne ay dadaan sa minimum health standard at masisiguro natin na ligtas at malinis ang mga hayop at karne na kakatayin o ilalabas dito sa Agutaya,” pahayag niya.

“Lalo na ngayon nauuso na naman mga sakit na galing sa mga alagang hayop, higit sa lahat para maprotektahan din natin ang mga kababayan natin na involve sa negosyong ganito. Yon nga lang hindi pa napapag-usapan ang budget na pagkukunan para sa pagpapatayo,” dagdag ni Larang.

camella-palawan-news

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry