Huli sa isang buy-bust operation noong Abril 2 ang isang lalaki sa Purok Magalang, Barangay Sta. Monica matapos mabilihan nang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa lungsod ng Puerto Princesa City.

Nahuli ang van driver at 33 anyos na suspek na kinilalang si Joniel Dalasa Patinte, residente ng Purok Bayanihan,  Barangay San Manuel dahil sa pagkadawit nito sa pagpapalaganap ng droga sa lungsod. Ayon pa sa ulat, si Patinte ay nabilihan ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P600. 

“Nagsagawa ng buy-bust operation ang Police station 2 (PS 2) together with city Anti-Crime Task Force (ACTF) na kung saan nakabili ang undercover asset ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu in exchange sa 600 pesos na buy-bust money na nagresulta sa kanyang pagkaaresto,” ang sabi ni P/Maj. Mhardie Azares, tagapagsalita ng City Police Office.

Si Patinte ay kabilang sa mga street level individuals (SLI ) sa lungsod na kung saan kasama sa mga sinusubaybayan ng mga awtoridad patungkol sa nasabing iligal na gawain.

Nasa kustodiya ngayon ng PS 2 ang suspek at inihahanda na para sa kasong nilabag na RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Advertisement -

Previous articleAnim na residente ng Roxas, huli sa iligal na tupada
Next articleApat na wanted, arestado sa isinagawang “Operation Kuwaresma” ng awtoridad