Aug 6, 2020

Residente ng San Vicente, huli sa pamumutol ng kahoy

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO), haharap sa kasong paglabag sa R.A. 9175 o Chainsaw Act of 2002 ang suspek na kinilalang si Eleazar Bargoy Chavez, 29.

(Photo by Choi Estoya)

 

Sasampahan ng kasong illegal logging at illegal possession of chainsaw isang residente ng San Vicente na nahuling nagpuputol ng kahoy sa Barangay Alimanguan noong Lunes.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO), haharap sa kasong paglabag sa R.A. 9175 o Chainsaw Act of 2002 ang suspek na kinilalang si Eleazar Bargoy Chavez, 29.

Ayon kay Orlando Estoya, municipal public emergency safety officer ng San Vicente, inabutan ng mga kawani ng San Vicente Municipal Police Station (MPS) at Municipal Public Safety and Emergency Program (MPSEP) si Chavez habang nagpuputol ito ng kahoy. Tumakbo umano si Chavez nang makita at makilala sya ng mga awtoridad at iniwan ang kanyang gamit na chainsaw.

“Nakatanggap kami ng report na mayroong nag-o-operate ng unregistered chainsaw doon sa area kaya ang ginawa ko nag-coordinate ako sa MPS natin na magkaroon ng joint operation ang PNP at MPSEP ng San Vicente,” sabi ni Estoya

“PNP na ang bahala sa regular filing ng case sa suspek,” dagdag ni Estoya.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry