Inaresto ng mga pulis ang isang 38 anyos na lalaki dahil sa pagtutulak ng shabu noong Biyernes ng gabi sa Lansanas Road, Barangay San Pedro.

Kinilala ito ng pulisya na si Macasaet Jassani Cauyan, residente rin ng nasabing barangay.

Nahuli ito matapos makabili sa kanya ang undercover agent ng Puerto Princesa City Police Station 1 at Anti-Crime Task Force ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000.

Matapos ang buy-bust, nakuhanan pa ito ng dalawa pang sachet na may laman din na white crystalline substance.

 

About Post Author

Previous articleLive-in partner, huli sa buy-bust operation dahil sa shabu
Next articleP75M road in Sabang, Puerto Galera inaugurated
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.