Aug 15, 2020

Residente ng Brooke’s Point, huli sa buy-bust

Nakuha sa suspek ang P500 mark money, isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000, isang aluminum foil, isang unit Nokia keypad cellular phone, at isang EURO125 motorcycle black na walang plate number.

BROOKE’S POINT, Palawan — Huli sa isinagawang buy-bust operation noong Biyernes ang isang lalaking hinihinalang nagbebenta ng shabu sa Sitio Bawangbawang, Brgy. Mainit sa bayang ito.

Ang suspek ay nakilalang si Rodel Valdez, 43 taong gulang, residente ng Sitio Bagnao, Brgy. Mainit, Brooke’s Point, Palawan.

Ayon sa spot report ng pulisya, nahuli ang suspek sa pagtutulungan ng Brooke’s Point Municipal Police Station sa pangunguna ni P/Cpt. Bernard F. Dela Rosa, ACOP, 2ND PMFC Police Intelligence Unit at ng PDEA, matapos na manmanan at makabili ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang police asset sa suspek.

Nakuha sa suspek ang P500 mark money, isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000, isang aluminum foil, isang unit Nokia keypad cellular phone, at isang EURO125 motorcycle black na walang plate number.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa piitan ng Municipal Police Station Brooke’s Point at nahaharap sa kasong RA 9165, section 5, 11 and 12.

coho-palawan-news

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry