No Images found.

Residente ng Brgy. Tagburos, patay matapos saksakin at pagpupukpukin ng bato sa ulo

Makikita ang biktima na si Joel Maccion (kaliwang larawan) matapos itong mapatay sa saksak at pamumukpok ng bato sa Purok Zone 1, Barangay Tagburos ng suspek na si Roberto Campaner (kanang larawan), Marso 25 ng umaga. | Mga larawang kuha ng Anti-Crime Task Force ng Puerto Princesa City

Patay ang isang 40 anyos na lalaki sa Purok Zone 1, Barangay Tagburos matapos itong masaksak at mapukpok ng bato ng kainuman na dati na rin nitong nakaalitan.

Ang biktima ay kinilalang si Joel Maccion, samantalang ang suspek na dati ng kaalitan ay pinangalanan na si Roberto Campaner, 45. Kapwa sila residente ng nasabing purok sa Tagburos.

Ang kutsilyo na ginamit panaksak sa biktimang si Joel Maccion.

Naganap ang insidented Huwebes ng umaga. Nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Anti-Crime Task Force (ACTF) mula sa 911 hinggil sa nagaganap na pag-aaway kaya agad na rumesponde ang mga ito.

Ayon sa kagawad ng Tagburos na si Maribel Gaid, may nag-report sa kanila tungkol sa nangyayari sa Purok Zone 1 ngunit hindi sila makalapit para umawat dahil si Campaner ay “nag-aamok”.

“Pagdating namin sa area ay patay na ang biktima at basag ang ulo. Ang sabi sa amin ng nakatira sa harap ng pinangyarihan, bago siya pinukpok sa ulo ay sinaksak pa siya sa likod ng suspek at nakapagsalita pa na si Campaner ang sumaksak sa kanya,” ayon kay Gaid

“Sa mga nakuha nating impormasyon, walang makalapit sa kanila kasi may hawak na kutsilyo ang suspek, habang nagsasalita na iniwan siya ng kanyang asawa,” dagdag pahayag ng kagawad.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Puerto Princesa City Police Station 1 (PS 1) kaugnay sa nangyaring insidente.

Nasa kustodiya na ng PS 1 si Campaner na nakuhanan ng patalim na ginamit na panaksak kay Maccion.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry