Ang turn over ceremony sa Brgy Caruray, San Vicente para sa rescue vehicle na pormal na tinanggap ni punong barangay Lovicel Bonggat

SAN VICENTE, Palawan — Pormal na tinanggap ng Barangay Caruray ang inilaang rescue vehicle ng pamahalaang bayan ng San Vicente sa ginanap na turn-over ceremony araw ng Martes, Mayo 4.

Pinangunahan ni Mayor Amy Alvarez ang pagsasalin ng pangangalaga at paggamit ng naturang sasakyan kay punong barangay Lovicel Bonggat. Ang sasakyan ay pangunahing gagamitin sa pagtataguyod ng kaligtasan ng publiko, pagresponde sa mga emergency, kapag may sakuna, at iba pang-rescue operations.

Kabilang sa mga dumalo sa turn-over ceremony sina Sangguniang Bayan members Maria Carmen L. Silagan, Ramir R. Pablico, Sr. at Antonio E. Rabina, Jr., ganoon din sina Municipal Local Government Operations Officer Rustico Dangue at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Orlando C. Estoya.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Alvarez na nakita niya ang pangangailangan ng bawat barangay na magkaroon ng emergency response vehicle. Pinasalamatan din niya ang Sangguniang Bayan sa pag-apruba ng budget upang makabili ng naturang mga sasakyan.

Inilahad niya ang ilan pang mga programa na pagtutuunang pansin sa Bgy. Caruray, kabilang ang paglalagay ng mini-water system sa Sitio Panamin, mga palikuran sa Candamia at ang tulong-pangkabuhayan kung saan ay naging benepisyaryo ang mga asosasyon ng Candamia, Panamin at Gawid.

“So anything na I can help para sa mga tao dito, slowly but surely — pero I will try to address ang mga needs ng mga tao dito,” ani Alvarez.

Nagpasalamat naman si Bonggat sa ipinagkaloob na rescue vehicle sa kanyang barangay na ayon sa kanya ay matagal na nilang ninanais na magkaroon dahil na rin sa kalayuan ng pagamutan sa kanilang barangay.

“Ako po ay nagpapasalamat sa pangunguna ng ating Mayor na sa tagal ng panahon ay nagkaroon po ng kasagutan ang kahilingan ng ating mga mamamayan. Kailangan talaga ng isang rescue vehicle dito sa Caruray dahil napakalayo talaga sa ospital,” ani Bonggat.

“Sana… [ay] mapakinabangan itong programa at marami pang programang susunod, ang mahalaga po lamang ay magtulungan tayong lahat. Sa pagkakaisa, riyan po natin makakamtan ang isang makatotohanang pag-unlad ng bayan,” panghihikayat naman ni Rabina.

Previous articleWorsening state of seafarers
Next articleBREAKING || Alvarez registers as a voter in Rizal town
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.