SAN VICENTE, Palawan — Isinalin na sa pangangalaga ng Barangay New Canipo ang isang rescue vehicle na ipinagkaloob ng pamahalaang bayan ng San Vicente noong araw ng Martes, unang araw ng Hunyo.
Ang turnover ceremony na ginanap sa harap ng municipal hall ng bayan ay pinangunahan ni Mayor Amy Alvarez at tinanggap naman ni punong barangay Renan Failon ang nasabing sasakyan.
Ang pamamahagi ng rescue vehicle ay isang programa ng pamahalaang bayan upang matugunan ang pangangailangan ng mga barangay sa pagtaguyod ng kaayusan, mabilis ng serbisyong medical, pag-responde sa mga emergency gaya ng sakuna at rescue operations, at maging sa pagpapatupad ng mga alituntunin na may kinalaman sa COVID-19.
Kasama sa pagsalin ang kasunduan ng maayos paggamit at pangangalaga nito, ganun din ang legal na paggamit ng sasakyan sa paghahatid ng serbisyo sa barangay na nasasakupan. Katuwang din ang pamahalaang bayan sa pagpapanatili ng maayos na kondisyon ng sasakyan.
Ang New Canipo ang ika-apat na arangay na nakatanggap ng rescue vehicle. Nauna rito, pinagkalooban din ng sasakyan ang mga barangay Binga, Caruray, at Sto. Niño noong buwan ng Abril at Mayo.
