Larawan mula sa Sangguniang Bayan ng Narra

Isasailalim sa pag-aaral ng Committee on Economic Enterprise ng Sangguniang Bayan ng Narra ang mga panukala sa paglalagak ng cash bond at halaga ng renta sa mga bagong puwesto sa loob ng new public market.

Sa panayam ng Palawan News kay kagawad Janet Nabua, member ng economic enterprise committee, sinabi niya na isinagawa nila noong September 17 ang public consultation sa mga old stallholders at sa lahat ng mga bagong nais na magkaroon ng puwesto sa bagong palengke para mapag usapan ang halaga ng renta at ang paglagay ng cash bond.

“Sa committee namin ito pag-aaralan katuwang ang Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO) kung ano ang mga regulasyon sa rental at cash bond sa lahat ng stall sa bagong new public market natin dito sa Narra. Possible this week sa ating SB session ay mapag-uusapan ito sa aming committee, lahat ng napag-usapan sa konsultasyon ay pagaaralan namin,”sabi ni Nabua.

Sa konsultasyon, ninais ng ibang mga dating stallholders na huwag sanang taasan ang renta na P40 dahil umano sa hirap ng buhay dulot ng pandemya.

“Sa cashbond naman walang fix kung magkano ang halaga ng ilalagak nila habang sila ay nasa puwesto nila. May ibang nag-suggest ng 20k at 30k sa bond — lahat ay idadaan pa sa magiging final review ng Economic Enterprise,”dagdag ni Nabua.

Samantala ayon kay Nabua, sisikapin ng kanilang committee na lahat ng suhestyon at napagusapan ay pagaaralan upang maipresenta ito sa sanguniang bayan.

 

About Post Author

Previous articleDump truck driver, nakaligtas sa pamamaril sa Brooke’s Point
Next articleDanao gives up on Capitol, will appeal suspension directly to Duterte
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.