Timbog ang isang hinihinalang drug pusher sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Kasoy Road, Purok Pagkakaisa sa Barangay San Jose kagabi, November 28.

Kinilala ang suspek na si Rheynel Vicente Bonuel, na kabilang sa listahan ng mga high-value individual (HVI) ng Regional PNP.

Nabili sa kanya ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Php5,000.

Ayon sa hepe ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng PNP na si P/Lt. Jayson Suarez, hindi pa nila matukoy sa ngayon ang pinagkukunan ng droga ng suspek. 

“Hindi niya masabi kung sino ang pinagkukunan nila ng drugs. Ang sistema kasi, magbabayad lang sila online like GCash, at saka ida-drop lang kung saan ang item, tapos kukunin lang nila,” pahayag ni Suarez.

Kakaharap si Bonuel sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of the Philippines. 

About Post Author

Previous articleSeniors’ recreation garden under construction at Balayong People’s Park
Next articleImmigration bureau warns foreigners against inspection in bars, hotels
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.