Sep 26, 2020

Quezon PNP namigay ng bulaklak para sa mga lola at nanay para sa Valentine’s Day

Ang pamimigay ng bulaklak sa mga nanay at senior citizens na babae ay isinagawa ng Quezon MPS kasama sina P/Cpl. Glendel Baliwan at P/Cpl. Mark Orly Cristobal sa Barangay Quinlogan.

P/Cpl. Glendel Baliwan ng Quezon MPS. Photo by Jecan Canaway.

QUEZON, Palawan — Maagang namigay ng mga bulaklak ang mga personnel ng municipal police station (MPS) dito noong ika-13 ng Pebrero upang ipagdiwang ang Valentine’s Day.

Ang pamimigay ng bulaklak sa mga nanay at senior citizens na babae ay isinagawa ng Quezon MPS kasama sina P/Cpl. Glendel Baliwan at P/Cpl. Mark Orly Cristobal sa Barangay Quinlogan.

 

P/Cpl. Glendel Baliwan ng Quezon MPS. Photo by Jecan Canaway.

Ang mga ipinamigay na bulaklak ay rose, bougainvillea, at gumamela.

“Ginagawa natin ito bilang isang pre-Valentine activity para sa ating mga lola at mga nanay bilang pag-appreciate sa lahat ng kanilang paghihirap, pagsakripisyo at pag-aaruga sa kanilang mga anak, ito ay tinatawag nating haplos sa iyong puso,” sabi ni Baliwan.

“Simpleng bagay lamang na alam nating makakapagpasaya sa ating mga magulang ay sapat na para maibsan ang kanilang lungkot at pagod, hindi natin kailangan ng mamahaling bagay o materyal para ipadama ang pag-ibig, isang bulaklak ng rosas sapat na para sa kanila at makita natin yung ningning at kislap ng kanilang mga ngiti,” idinagdag niya.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry