(Left photo) Si Atty. Jocelyn Fabello noong kanyang graduation sa PSU-School of Law kasama ang kanyang ama na si John Sebastian San Juan Fabello. (Right photo) Si Atty. Fabello kasama ang kanyang fur baby na si Divo.

Kailan lang ay iniangat ni Jocelyn Fabello ang pangalan ng Palawan State University-School of Law sa mapa ng mga unibersidad sa bansa kung saan mayroong mga magagaling na estudyante na pumasa sa bar exam. Hindi lamang ang school of law ang kanyang iniangat kundi pati na rin ang lungsod at lalawigan kung saan siya nagmula.

Sa Q&A na ito, alamin natin ang mga pag-aaral, paghahanda, at preparasyon na kanyang ginawa para makamit ang tagumpay.

1. Noong bata ka pa, ano talaga ang pangarap mo? Pinangarap mo ba maging abogado?

Hindi ko talaga pinangarap maging abogado. Ito ay pangarap ng aking ina para sa akin, pero hindi naman nila ako pinilit na mag-pursue ng abogasya.

Noong bata pa ako ang pangarap ko ay maging doctor. Pero takot ako sa dugo (laughs). Noong nag-work na ako sa Palawan ang pangarap ko ay maging isang urban planner.

2. What made you decide to study law? Is there somebody who influenced you?

I was already 28 when I decided to pursue law. After self-assessment, I thought that it was high time that I specialize in a certain field. Meeting lawyers who were able to help and solve problems through their expertise inspired me to try law school. My first year in law school was a trial period. After my first year, I decided that I was going to earn that law degree no matter what.

3. What is the most challenging part for you? How did you cope with waiting for results?

Ang pinakamahirap na part, maliban sa kinakailangan mo ang mag-aral at mag-handa para sa iyong recitation araw-araw, which involved about 6-8 hours of reading and studying, ay ‘yong making ends meet. Dahil sa may edad na ako noong nagsimula sa law school, kinailangan ko din ang mag-trabaho para matustusan ang aking pag-aaral at araw-araw na gastusin.

Sa bar review, mahirap ang pumunta at tumira sa Manila for 6 months. Maliban sa maingay at maraming tao sa Manila, kasama sa pag-aaral ang adjustment phase at ang pagiging overwhelmed sa dami ng mga tinuturo at mga magagaling na reviewees.

Hindi masyadong challenging ang paghihintay ng result. Sinadya kong mag-focus sa ibang bagay kagaya sa pamilya at sa pag-aalaga ng aso para hindi ko na maisip kung ano ba ang magiging results. Ipinagdasal ko na din naman po na ang Diyos na ang bahala sa magiging results at binigay ko na din ang lahat ng aking makakaya.

4. During your law school days, was there a point na sumagi sa isip mo na mag-give up?

Yes. Halos everyday mararanasan mo ang ganoong thinking. Hindi po madali ang maka-graduate sa law school. Matindi ang kinakailangang pagbabasa at pag-aaral at nakakatakot po ang aming mga professors. They really mean business. Pero dahil nag-commit na ako na tatapusin ko ang law school, kinabukasan balik pa din sa pag-aaral.

5. Ano ang kailangan meron ang isang gustong maging abodago bago pumasok sa law school?

Para sa akin po, okay lang naman na hindi ka pa sigurado kapag pumasok ka ng law school. Kagaya sa akin, ang unang taon ko sa law school ay trial period at hindi po ako full-time na estudyante noong first year.

Pero kung alam mo sa sarili mo na gusto mo talagang maging abogado, you really need to commit. Kinakailangan mong ibigay ang kinakailangan ng propesyon. Kinakailangan mong magbasa hindi lang ng libro kundi pati na rin ng mga kaso. Kinakailangan mo silang maintindihan. At gabi-gabi kang haharap sa iyong mga propesor para mas mapagtibay ang iyong inaaral.

Hindi balakid ang kakulangan ng pera sa pagaaabogasya. Marami ang mga law students na working students at affordable ang tuition fee sa Palawan State University (PSU) kumpara sa law schools sa Manila.

6. What is your favorite law subject and why?

Lahat ng law subjects para sa akin ay mahirap. Siguro po ‘yong medyo mas nakakabigat lang ng puso ko tuwing nababasa ko ang mga kaso ay ang labor law na patungkol sa karapatan ng mga manggagawa at ng mga industriya.

7. Who is your favorite law teacher and why?

Noong bar exam, bawat isang naging propesor ko ay china-channel ko sa bawat subject. Lahat sila malaki ang naitulong sa akin kaya’t wala akong paboritong teacher.

8. Since you’re a bookworm, what is your favorite book?

Actually, hindi ako bookworm. Wala akong malaking collection ng libro at hindi ko past time ang pagbabasa. Pero as to favorite book, The Little Prince po ang paborito ko because of its simplicity.

9. Anong ginagawa mo the day or night before lumabas ang result?

I really focused on becoming a fur parent after the bar exams. It’s a healthy way so as not to be stressed on the outcome of the exams. In fact, sobra akong na-attach sa dog-baby ko kaya before lumabas ang results, I just took care of my dog, played a little guitar to release anxiety, and then prayed to God that the outcome of the exams would be His will. Meaning na, if I am not yet meant to pass, that I will be able to accept it, and if I am meant to pass that I get the strength to fulfill the duties required by the profession.

The night before the results came out, my family also prayed the rosary.

 

Sa larawan ay makikitang kasama ni Atty. Fabello ang kanyang ama at mga kapatid na babae.

10. Ano unang ginawa mo after mo malaman ang result?

Umiyak kami at nagyakapan ng buong pamilya.

11. Para kanino mo inaalay ang pagiging bar topnotcher mo?

Inaalay ko po ito sa aking ama at sa aking nanay na pumanaw na. Lubos ko pong tinitingala ang aking ama na parati pong compassion at development ang bukang bibig. Ang nanay ko naman po ang naging tutor ko noong bata pa ako at ang kanyang kasipagan ang naging inspirasyon ko sa buhay. Inaalay ko din po ito sa aking mga kapatid, kasintahan, kaibigan, sa aking alma mater, ang Palawan State University School of Law, at sa aming dean at mga propesor. Sila ang rason kung bakit ako nag-top sa bar exams.

12. Ano ang pakiramdam noong nasa loob ka ng room during bar exams at noong matapos na ang exams?

Sa unang linggo po, para akong kakainin ng lupa. Hindi mo alam kung ano ang lalabas na mga tanong at para pong pinipilipit yong kalamnan ko sa nerbiyos. Hindi ka na rin pupuwedeng mag-review 30 minutes before the exam. Kaya po ang nerbiyos ko ay itinulog ko at inialay sa Taas.

Noong pangalawang linggo, bawas na ang nerbiyos at nasa fight mode na ako. Yong binu-boost mo ang sarili mo dahil nasa kalahati ka pa lang ng paghihirap.

Nung pangatlong linggo po ako ay nagkatrangkaso kayat pakiramdam ko po tulog ako buong bar exams at ipinagdasal na lamang na matapos ko sagutan ang Criminal Law dahil yun po ang huling subject nang hapon.

Sa pang-apat na linggo, ginusto ko na lang tapusin ang exam. Sobrang relieved ang pakiramdam dahil kinaya namin tapusin ang apat na linggong paghihirap na iyon.

13. Anong una mong ginawa after bar exams?

Natulog po. Hirap ako matulog noong buong bar month kaya yon ang talagang unang-una pong hinanap ng aking katawan at isip.

14. Ano ang gusto mong i-specialize?

Open pa ako sa kung ano ang field ng law na maari kong ispecialize. Ang iniisip ko po ngayon ay ang makapag practice magl itigate sa kahit anong field of law.

15. What are the most important lessons your parents taught you?

My father taught me that everything in life is interconnected and that you always have to have compassion in what you do. This I find very helpful sa pagtatahi-tahi ng mga experience at kaalaman sa buhay and in staying grounded. My mother taught me the value of hard work.

16. What is your philosophy in life?

Make the most out of your time on earth.

 

 

17. Who is your mentor and What is the most important lesson you learned from your mentor?

I don’t have one particular mentor. I believe it is life experiences that made me who I am today. Maybe the most important lesson I learned from life is “never be too harsh on yourself if you commit mistakes and to always try and rise when you fall. It is not in failing that you lose in life but it is by staying there.”

18. What are you most proud of?

At the moment, I am proud to have shown the results of hard work and perseverance. Being a bar topnotcher is a combination of hard work and the right guidance by the law professors.

In life, I am always so proud of my family. When we lost our mom, our family was devastated. But my sisters and I stepped up and filled in the gaps. We became instant moms of the family. We are there for each other through highs and lows.

19. Do you have regrets?

Yes. Just like most people, I committed a lot of mistakes in the past. But I do not dwell on them and I learned how to forgive myself.

20. Tell me something about your life outside law school? Your community involvement, I understand you were passionate about cultural development.

Yes. I sincerely believed that the way to the development of our country is through the empowerment of its provinces, including its culture. That’s why when I went back to Palawan, I produced a Cuyono rock album to empower and promote the Cuyonon language among young Palawenos. It was just a simple movement that a young person can do.

I also helped in facilitating the improvement of the exhibits at the Palawan Museum by helping it source funding and I sit with its board as its Cultural Officer.

21. What are your hobbies?

I love to sing (alone, hahaha) and dance (alone). Basically, music and culture.

22. What makes you happy?

Right now, it’s taking care of my baby dog. Generally, harmony in things makes me happy.

23. What are your plans after oathtaking?

I hope to be able to get married when the COVID-19 crisis ends and after oathtaking. I and my boyfriend of six years have been waiting for that moment.

 

Si Atty. Fabello kasama ang kanyang boyfriend na si Eriko Reynier Gimpaya.

24. Where do you plan to practice law in Palawan or Manila?

Palawan. I love our province and this is where I wish to make a difference.

25. Bilang topnotcher ka, madaming offers from big companies, sayo may mga offers na ba?

Yes po.

About Post Author

Previous articleCity rejects DOTr bid to reopen airport
Next articleRTN sets up quarantine market in Bataraza