- Advertisement by Google -

Magkakaroon na sa madaling panahon ng sariling tanggapan ang mga persons with disability (PWD) sa bayan ng Brooke’s Point, ayon sa tinuran ni Mayor Cesareo Benedito Jr. sa kanyang pananalita sa selebrasyon kamakailan ng 44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na isinagawa sa Barangay Pangobilian.

Ayon kay Benedito noong July 19, bibigyan ng pamahalaang lokal ng sariling opisina ang mga PWD ng kanilang bayan upang mas lalo silang maging “inspired” na harapin ang mga hamon ng buhay.

“Pag-usapan natin kung saan niyo gustong magkaroon ng sarili niyong opisina para lalo kayong ma-inspire,” ayon kay Benedito.

“Palagi kayong manalangin, gawing kalakasan ang inyong kahinaan para lalo kayong maging succesful sa buhay,” dagdag pa niya.

- Advertisement -

Panauhing pandangal rin sa nasabing pagdiriwang si Vice Mayor Mary Jean Feliciano na nagsabing ang PWD ay dapat na mangahulugan din na “person with determination.”

“Person with determination ang dapat na itawag sa mga kababayan nating mga PWD dahil sumasabay na kayo sa lipunan. Dapat ay mag-focus kayo sa plano ng Diyos dahil may magandang layunin kung bakit kayo nag-i-exist sa mundo,” ayon kay Feliciano.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleDalawang road projects, nag-groundbreaking sa Brooke’s Point
Next article30k na livelihood assistance, ipinagkaloob sa benepisyaryo ng CB-GAD sa Roxas at Taytay
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.