(Photo from the Facebook page of Barangay Bato-Bato)

 

Mahigit sa 500 fruit trees na golden pomelo ang naitanim sa iba’t-ibang lugar sa bayan ng Narra kamakailan bilang paggunita sa Arbor Day 2020.

Ang pagtatanim noong June 19 ay base rin sa deklarasyon na ang araw ay ituturing na Arbor Day sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 2014-580.

“Noong araw na yan sa pakikipagtulungan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), ng Department of Agriculture (DA), at ng local government unit sa Narra, ang mga piling barangay natin ay naitanim ang mga prutas bilang pagbibigay ng kahalagahan sa Arbor Day ng Narra,” ayon kay municipal tourism officer Grace Sotabinto.

 

- Advertisement -
(Photo from the Facebook page of Barangay Bato-Bato)

Napiling pagtaniman ng golden pomelo ang apat na lugar sa Narra — ang Bato-Bato Hotspring, Narra Sanitary Landfill sa Barangay Bato-Bato, Estrella Falls sa Brgy. Estrella, at Narra Memorial Cemetery sa Barangay Antipuluan.

Ayon kay Sotabinto, ang mga buto ng golden pomelo ay galing sa DA.

“Napili natin na prutas ang itanim sa mga lugar na yan instead trees — dahil good naman ang kahoy — pero mas maganda rin siguro na fruit trees para magkaroon pa tayo ng produkto at siyempre makatulong pa tayo sa mga mamamayan natin,” sabi ni Sotabinto.

Ipinaliwanag ni Sotabinto na matitiyak ang paglago at paglaki ng mga golden pomelo dahil imo-monitor din ito ng mga barangay kung saan nakatanim.

 

Previous articlePalawan’s public transport route plan gets DOTr and LTFRB nod
Next articleSta. Monica now with 6 confirmed COVID-19 cases
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.