Ilang araw bago ang national at local elections sa Mayo 9 ay nanatiling payapa ang Puerto Princesa City at ang lalawigan ng Palawan.

Kaugnay nito, patuloy ang pag-iikot ng mga operatiba ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa mga barangay. Bukod sa mga nakatalaga na nilang tauhan sa mga polling center, kasama rin ito sa mga inikutan ng mga roving team ng pulisya upang masiguro na nanatili silang nasa maayos na kalagayan.

Maliban sa mga pagroronda ay patuloy din ang pagbabantay ng mga ito sa mga checkpoint sa lungsod.

- Advertisement -

Sa lalawigan ng Palawan, sinabi ni P/Col. Adonis Guzman, provincial director ng Police Provincial Office (PPPO), na mahigpit din ang kanilang giangawang pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan, para masiguro at mapanatili ang kapayapaan hanggang matapos ang halalan.

“Naka-deploy na ang mga tropa sa mga polling centers, ang atin mga quick reaction teams at mga supervisors ay laging nag iikot para mabantayan lahat ng mga lugar na sakop natin. wala pa tayong reported na gulo, and sisikapin natin na walng mangyayaring gulo,” pahayag ni Guzman.

Previous articlePALECO to file anti-pilferage case against Pathmosville management
Next articleHagedorn apologizes to Bayron after his endorsement at the City Coliseum
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.